Posts

Showing posts from September, 2023

(Marc Angeles Ablaza) Ang Paborito Kong Alagang Hayop

Image
     Ang aking paboritong alagang hayop ay aso. Bakit? Dahil ang aso ay matalik na kaibigan nating mga tao. Nakakawala sila ng lungkot at problema sa buhay. Katulad ng aking aso na si Hadara. Sa tuwing uuwi ako galing sa paaralan tuwang -tuwa akong sinasalubong ng aking alagang si Hadara na talaga namang nakakapawi ng aking pagod. Kapamilya na ang turing namin sa kanya.       Ang mga aso ay maraming pakinabang sa ating mga tao katulad ng pagbabantay nila sa ating mga tahanan, gumagabay sa may mga kapansanan, tumutulong sa mga kapulisan at marami pang iba. Nararamdaman nila kapag tayo ay malungkot at kapag tayo ay nasa panganib. Malaki ang naitutulong nila sa ating mga tao dahil sa angkin nilang katalinuhan.